Key Points
- Hindi hinihikayat na bumyahe ang mga hindi bakunadong Australians : Department of Foreign Affairs and Trade
- Hinihikayat ni Deputy Chief Medical Officer Michael Kidd na maghanda ng contingency plan kung ikaw ay may planong bumyahe palabas ng bansa
- Para sa ilang partikular na grupo, inirerekomenda ng ATAGI ang dalawang dose ng bakuna kontra monkeypox apat hanggang anim na linggo bago bumyahe
Sinabi ng tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs and Trade sa SBS na palaging may kaakibat na panganib ang pagbyahe sa ibang bansa.
"Mas kumplikado na ngayon bumyahe papuntang ibang bansa. Kaya't hinihikayat namin ang lahat ng Australyano na maging handa at alamin ang lahat ng impormasyon kaugnay sa inyong pagbyahe."
Paano ka ba magiging 'travel-ready'?
1. Mag-research kaugnay sa bansang iyong pupuntahan
Maaring gamitin ang , ito'y isang app na binuo ng gobyerno upang makapaghatid ng pinakabagong travel advisory, para malaman ang mga kakailanganin at panganib na maaaring harapin sa iba't-ibang destinasyon.
Mayroon ding impormasyon kaugnay sa mga konsulado na maaaring ma-access sa portal.
Para sa mga babyahe papuntang Australia, alamin ang mga border restrictions at iba pang kakailalangin bago bumyahe sa mga estado at teritoryo sa Australia.
2. Siguruhing up-to-date ang iyong bakuna
Maaaring bumyahe anumang oras ang mga Australyanong hindi pa bakunado, mga permanenteng residente at mga bisita galing ibang bansa.
Pero may ilang mga bansa na mangangailangan ng COVID-19 certificate bago dumating sa kanilang bansa.
Ayon sa tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs and Trade "hindi nila hinihikayat na bumyahe ang mga Australyanong hindi pa bakunado kontra COVID-19 dahil sa mas mataas na panganib na magkasakit."
3.Maghanda ng contingency plan
Hinihikayat ni Deputy Chief Medical Officer Michael Kidd na "maghanda ng contingency plan" sakaling sila ay magkasakit at kailangang mag-isolate sa ibang bansa.
"Mahalagamg sundin ng lahat ang lokal na patakaran sa kalusugan ng publiko at ang kanilang payo," dagdag pa ni Propesor Kidd.
It may be more sensible to travel to a few locations rather than different places every day in case you become unwell and have your travel plan disrupted.
4. Siguruhing mayroon kang travel insurance
Inaabisuhan ang lahat ng byahero na alamin kung sasagutin ng kanilang insurance ang anumang aberya at gastos sakaling magpositibo sa COVID-19.
Sa pakikipagtulungan ng at CHOICE, nakabuo sila ng gabay kaugnay sa pagkuha ng travel insurance.
Paano naman ang monkeypox?
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng monkeypox (MPX) sa buong mundo, idineklara ng World Health Organization na isa na itong global pandemic noong Hulyo 23.
Simula noong Enero 1, umabot sa higit 23,000 ang nakumpirmang kaso sa 83 bansa at walo ang namatay. Sa Australia, may natukoy na halos 58 na kaso ng MPX, at karamihan sa mga ito ay mga byaherong pauwi ng bansa.
Sinabi ng tagapagsalita ng Department of Health and Aged Care sa SBS na dapat alamin ng mga Australyano ang mga senyales ng MPX kung sila ay babyahe palabas o pauwi sa kani-kanilang bansa na may natukoy na mataas ng kaso ng MPX.
"Hinihikayat namin kayong humingi ng tulong kung sa tingin nyo ay na-expose kayo sa virus," dagdag pa nito.
Kinakailangan ko ba magpabakuna kontra MPX bago bumyahe palabas ng bansa?
Batay sa datos ng WHO, 98 porsyento ng kaso ng MPX ay natukoy sa mga kalalakihan na nakikipagtalik sa ibang lalaki.
Hindi din umano epektibo kontra MPX ang second-generation smallpox vaccine na ACAM-2000. Hindi din ito rekomendado sa mga taong may mahinang immune system at HIV.
Nakakuha ang Australia ng supply ng mas ligtas at third-generation vaccine na JYNNEOS.
Ayon sa Australian Technical Advisory Group on Immunization na kakailanganin ng JYNNEOS ng dalawang dosis at hindi dapat bababa sa 28 araw ang pagitan ng pagtuturok nito.
Ang bakuna ay ligtas na gamitin sa mga taong immunocompromised, at sa mga bata o sa panahon ng pagbubuntis batay sa isinagawang risk-benefit assessment ng ATAGI.
InirerekomendaTAGI ang JYNNEOS ng para sa:
1. Sinuman na matukoy ng awtoridad sa kalusugan ng publiko na high-risk monkeypox contact sa nakalipas na 14 na araw.
2. Gay, bisexual at iba pang kalalakihan na nakikipagtalik sa ibang lalaki.
3. Sex workers, partikular ang may kliyente na kabilang sa high-risk na kategorya.
4. Sinumang nabanggit sa itaas na high-risk na nagpaplanong bumyahe sa mga bansang may outbreak. Inirerekomenda ding magpabakuna 4-6 na linggo bago umalis ng bansa.
5. Mga nagbibigay ng bakunang ACAM2000 smallpox vaccine
Makakaasa kayo sa SBS na maihahatid namin ang lahat ng COVID-19 updates sa buong komunidad ng Australia na may iba't-ibang kultura at wika. Maging maalam, maging maingat. Bisitahin ang