Hiniling ni Peter Dutton ang pagbabawal sa lahat ng visa para sa mga Palestinian na tumatakas mula sa Gaza na binanggit ang mga alalahanin sa pambansang seguridad.
Inakusahan ng Lider ng Oposisyon ang Australian Security Intelligence Organisation (ASIO) ng "hindi pagsasagawa ng mga pagsusuri at pagsisiyasat" sa mga tumatakas papuntang Australia na nagdudulot ng "banta sa pambansang seguridad."
"I don't think people should be coming in from that war zone at all at the moment . . . it's not prudent to do so," sabi niya.
Sinabi ni Dutton na ang Hamas ay isang "nakalistang teroristang organisasyon" at hindi makatitiyak ang mga awtoridad tungkol sa "pagkakakilanlan o katapatan" ng mga tao.
Aniya, ang kaniyang mga iminungkahing hakbang ay hindi mapanghinala at itinagging pinataas niya ang tensyon sa komunidad.
Gayunpaman, tinawag ng Islamophobia Register ang kaniyang mga pahayag na "lubhang nakakabahala at maaaring nakakagalit sa iba."
"By suggesting that an entire group of people should be barred from seeking safety in Australia, Dutton shamefully perpetuates harmful stereotypes and vilifies vulnerable people who are feeling unimaginable horrors," saad nila sa social media.
Sabi nila, kulang sa ebidensya ang mga pahayag, "nagpapalakas ng xenophobia at racism," at nagpapalaganap ng "takot at pagkakahiwalay."
Noong Linggo, inakusahan ng Punong Ministro si Dutton ng pagtatangkang "magdulot ng takot."
Ang pagpuna ay kasunod ng babala ni ASIO Director-General Mike Burgess sa mga politiko na maging "maingat" sa kanilang mga salita, na nagsasabing "nagdadagdag ng poot ang mga salitang nag-uudyok."
Sa paglitaw sa programa ng ABC na Insiders, sinabi ni Burgess na ang ASIO ay nagsasagawa ng pagsusuri sa seguridad sa mga aplikasyon ng visa na itinuturing na potensyal na nagdudulot ng alalahanin.
“The critical point is: there are security checks,” dagdag niya.
ASIO Director-General Mike Burgess said the institution is oversee potentially concerning visa applications from those fleeing Gaza. Source: AAP / Lukas Coch/AAP Image
Sinabi niya na ang mga aplikasyon na may "rhetorical support" ay hindi problema. Ngunit ang mga nagpapakita ng ideolohikal na suporta ay may problema.
Binanggit niya na ang pagbibigay ng pinansyal na suporta o materyal na tulong sa Hamas ay maaaring maging dahilan para sa diskwalipikasyon dahil sa pagkilala ng Australia sa Hamas bilang isang teroristang organisasyon.
Ilang tao ang nakarating sa Australia mula sa Gaza?
Mula Oktubre 7 hanggang Agosto 12, 10,033 aplikasyon ng visa ang isinumite ng mga Palestinian. Tanging 29% lamang ang naaprubahan.
Sinabi ng Department of Home Affairs sa SBS Examines na 7,111 aplikasyon ng visa mula sa mga Palestinian ang tinanggihan at 2,922 na visa para sa migrasyon at pansamantalang pananatili ang ipinagkaloob.
"Of these, 2,568 were visitor visas, 354 were granted other types visas including 95 Family visas, 39 Resident Return visas, 74 Skilled Migration visas, 51 Student visas, 87 other Temporary visas and 8 other visas," ayon sa isang tagapagsalita.
Sinabi ng Department of Home Affairs na ang sinumang dumarating mula sa mga apektadong lugar ay "hindi limitado sa isang uri ng visa."
"Everyone’s situation is different, and the Department of Home Affairs strongly recommends people consider their own circumstances when applying for the visa that best suits them," anila.
Ayon sa Gaza Health Ministry, mahigit 40,000 Palestinians na ang namatay sa mga pambobomba at pag-atake ng lupa ng Israel.
Ano ang mga visa na maaaring i-apply ng mga tumatakas at paano ang proseso?
Marami sa mga tumakas mula sa Gaza papuntang Australia ay gumamit ng mga pansamantalang visa, tulad ng visitor visas, at nag-apply para sa protection visas pagkatapos makarating.
Ang pansamantalang visa ay tumatagal ng tatlo hanggang labindalawang buwan, at ang may hawak nito ay hindi makapagtrabaho o makagamit ng edukasyon at pangangalagang pangkalusugan.
Sa kasalukuyan, inirerekomenda ng Department of Home Affairs na ang mga mula sa "malubhang apektadong lugar" na dumating gamit ang pansamantalang visa at hindi makagamit ng "standard visa pathways o return" ay mag-apply para sa Bridging visa E.
Ito ay isang "maikling panahon" na bridging visa na nagbibigay-daan sa may hawak nito na manatili sa Australia "ng ayon sa batas habang inaayos nila ang kanilang status sa imigrasyon sa pamamagitan ng pagkuha ng substantive visa.
Ang mga pansamantalang visa at protection visas ay napapailalim sa mga probisyon sa seguridad at karakter. Nangangahulugan ito na ang isang tao ay susuriin sa oras ng pag-a-apply para sa pansamantalang visa at kung mag-a-apply sila para sa protection visa.
Sinabi ni Ali Mojtahedi, Principal Solicitor ng Immigration Advice and Rights Centre (IARC), sa SBS Examines na ang protection visas ay nagbibigay-daan sa isang tao na refugee o nangangailangan ng proteksyon na manatili sa Australia sa permanenteng o pansamantalang batayan, depende sa kanilang paraan ng pagdating sa bansa.
Ang mga aplikante para sa protection visa ay napapailalim sa mahigpit na pamantayan, kabilang ang posibilidad na masuri ng ASIO kung sila ay itinuturing na potensyal na banta sa seguridad.
Maaaring tanggihan ang mga visa kung ang isang tao ay hindi sumusunod sa Australia’s protection obligation at kung sila ay bumagsak sa mga pamantayan sa karakter.
Tungkol sa panawagan ni Dutton na itigil ang pagtanggap ng mga tao na tumatakas mula sa Gaza, sinabi ni Mojtahedi na may "malawak na kapangyarihan" upang tanggihan ang lahat ng mga visa "sa ilalim ng character provision."
"A visa can be refused on the basis that a person has an association with a group that has been involved in criminal conduct, that the person has committed a war crime, that there is risk the person would engage in criminal conduct, incite discord in the community or be a person who has been assessed by ASIO to be a risk to security," sabi niya.
Dagdag niya, maaaring ituring ng ASIO ang isang tao bilang "banta sa seguridad" kung sila ay "kasangkot sa politically motivated violence o nagtataguyod ng communal violence, bukod sa iba pang mga bagay."
Habang ang gobyerno ay nakikipaglaban sa kung paano pamahalaan ang pagdami ng mga aplikasyon ng visa, may mga nagbabala na ang pag-politika sa isyu ay maaaring magkaroon ng nakakabahalang epekto sa sosyal na pagkakaisa.
Sinabi ni Sandra Elhelw, CEO ng Settlement Council of Australia, na ang Australia ay "isang matagumpay na multicultural na bansa, ngunit hindi dapat ipagwalang-bahala ang ating social cohesion."
"Divisive comments by political leaders put a target on certain communities, fan sentiments of discord between communities and affect cohesion throughout the country."
Ayon kay Elhelw, ang mga proseso na ginagamit para sa mga tumatakas mula sa Gaza ay ginamit na rin para sa ibang mga refugee sa nakaraan.
"We must apply the same humanitarian processes to all, with no distinction on the basis of race, language, place of origin, or faith."
LISTEN TO
Islamophobia in everyday life
SBS English
30/07/202407:21