2023 booster dose: Gaano kabisa ang bagong bakuna at gamot?

Ang mga Australian na nasa hustong gulang na hindi nagkaroon ng impeksyon sa COVID-19 o dosis ng bakuna sa nakalipas na anim na buwan ay maaaring makakuha ng 2023 booster dose mula Pebrero 20.

A female nurse is vaccinating a young asian woman

Source: Moment RF / Wang Yukun/Getty Images

Key Points
  • Ang lahat ng kasalukuyang bakuna ay mabisa: Dr Norelle Sherry
  • Ang mga Australian na mananaliksik at iba pang dalubhasa ay patuloy na tinatrabaho ang variant-proof vaccine
  • Ang Australia ay may mataas na cumulative COVID-19 mortality rate per million population
Halos dalawang taon ng sinimulan ng bansang Australia ang pagbibigay ng bakuna laban sa COVID na sinimulan noong ika- 22 ng Pebrero 2021.

Ang unang booster dose ay isinagawa noong ika-8 ng Nobyembre 2021 na sinundan din ng isa pang dose makalipas ang ilang buwan.

Subalit, lumabas sa datos mula Department of Health ang pangangailanganng booster dose ay nanatiling mababa sa mga karapat-dapat na Australians kasunod ng kanilang dalawang dosis na pangunahing pagbabakuna.

Tinatayang nasa 56.6 porsyento ang eligible na residente (18 taong gulang pataas) ang may pangatlong dose, at 35.2 porsyento (30 taong gulang pataas) ang may pang-apat na dose ang naitala nitong ika-10 ng Pebrero 2023.

Ngayon, nag-anunsyo ang pederal na gobyerno ng karagdagang bakuna para sa COVID booster para sa mga nasa hustong gulang na hindi nagkaroon ng impeksyon sa COVID o isang bakuna sa nakalipas na anim na buwan.

Gaano kabisa ang bakuna laban sa mga mutating virus?

Ang COVID virus ay nagbago na o nagmutae simula ng unang matuklasan sa Wuhan noong 2019.

Sa katunayan, pinangalanan itong Alpha, Beta, Gamma at Delta variants, ngunit ang Omicron at ang mga subvariants nito ang pinaniniwalaang dahilan ng pagkamatay ng maraming tao dito sa Australia.

Sa datos mula lumbas na ang cumulative COVID-19 mortality rate ng Australia per million population sa nagdaang isang taon 557, bahagyang mababa ito sa US na may 585.

Ngunit mas mataas ito sa Singapore (149), Canada (407), Japan (408), at sa UK (448).
Norelle Sherry_Doherty Institute.JPG
Clinical Microbiologist & Infectious Diseases Physician Dr Norelle Sherry. Credit: Doherty Institute
Sinasabi ng Doherty Institute's Clinical Microbiologist and Infectious Diseases Physician, Dr Norelle Sherry, may ilang antas ng pinababang epektibo ng bakuna ang inaasahan habang nagbabago ang virus.

"Ngunit alinman sa mga bakuna ito ay mas mahusay kaysa walang mga bakuna," dagdag ni Dr Sherry sa SBS.

"Ang mga bakuna ay hindi kailanman talagang idinisenyo upang maiwasan na magkaroon ng COVID. Ngunit tiyak na pinoprotektahan nito ang tao laban sa malubhang sakit, na dahilan ng pagka-ospital.

"Ang Omicron booster ay malamang na magbigay ng higit na kaligtasan sa sakit kaysa sa orihinal na mga bakuna," sabi ni Dr Sherry.

Pinapayuhan ng Australia ang mga residente na magpabakuna sa updated mRNA vaccines kaysa orihinal o protein-based vaccines.
Ang mga nasa hustong gulang ay dapat magpabakuna ng Pfizer na dalawang bivalent vaccines na target ang BA.4/5 variants at original variant/BA.1.

Maaari ding magpabakuna ng Moderna bivalent vaccine na target ang ang original/BA.1 bilang boosters.

" Ang mga adults o nasa hustong gulang na may edad 55 taong gulang pababa na nabakunahan ng Pfizer bivalent BA.4/5 vaccine may may na-develop na mas mataas na antibodies titres sa BA.4/5 Omicron subvariant kaysa mga nabakunahan ng Pfizer original vaccine," saad ng Australian Technical Advisory Group on Immunisation (ATAGI) sa kanilang inilabas na .

"Ang neutralisasyon ng mas bagong BQ.1.1 at XBB.1 na mga subvariant ay mas mataas din kaysa sa orihinal na bakuna," idinagdag nito.

Sa ngayon ang drug regulator ng bansa, ang Therapeutic Goods Administration, ay kasalukuyang sinusuri ang Moderna's BA.4/5 booster.
Sinabi kamakailan ng Chief Medical Officer ng Australia na si Paul Kelly na ang pangunahing layunin ng kasalukuyang patakaran ay protektahan ang mga pinaka-mahina at ang pagbabakuna ay nananatiling may malaking impluwensya sa lahat.

"Ang UK modelling, halimbawa, para sa sinumang higit sa 70, kailangan mong magpabakuna ng 800 katao para mapigilan ang pagka-ospital ng isang tao. Sa paghahambing, mula sa edad na 40 hanggang 49, kailangan mong magpabakuna ng 92,000 katao," sabi ni Propesor Kelly.

"At kung pag-uusapan ang mas nakakabatang populasyon, kada taon kailangan mong magbakuna ng mas marami pa para mas makita ang bisa nito o magandang epekto."

Kinakailangan ba ng regular na pagpapa-booster?

Sa nakaraang pahayag sabi ng ATAGI na ang mga regular na dose tulad ng flu o bakuna laban sa trangkaso ay "malamang" gagawin, lalo na para sa mga nasa pinakamataas na panganib na may malubhang sakit.

Sinabi ni Propesor Chris Goodnow sa Garvan Institute of Medical Research na mayroong "mabilisan na pangangailangan para sa isang variant-proof COVID-19 vaccine."

Sa ngayong nakipagtulungan ang Garvan Institute sa UNSW RNA institute at Kirby Institute para makagawa ng universal mRNA COVID-19 vaccine, na maaaring makatulong para tapusin ang pangangailangang mag-update ng booster sa tuwing may lalabas na bagong variant.
Paano ang tungkol sa antivirals?

Ang mga oral treatment ay inilarawan bilang isang "game changer".

Ngunit sa kabila ng mga antivirals noong nakaraang taon, higit sa 2,600 na mga Australyano, kabilang ang 800 residente na nasa aged care, ang namatay.

Gayunpaman, itinuturing pa din ni Dr Sherry, ang mga ito na "game changer."

Sinabi niya na ang isyung ito ay higit pa tungkol sa mga taong nangangailangan ng access o mas maagang access, at higit na nangangailanan ng mas marami pang testing sa virus.

"Ang antivirals ay kinakailangang inumin agad kapag nasisimula pa ang lang sintomas ng sakit."

Dagdag ni Dr Sherry mahalagang para sa mga taong mataas ang risk, na maging alerto sa pagpapa-test ng COVID at agad kumunsulta sa doktor tungkol sa paggamit ng antivirals.

Second-generation antivirals

Ang mga siyentipiko at pharmaceutical na kumpanya sa buong mundo ay nagtatrabaho sa mga second-generation antiviral upang labanan ang mga pagkukulang ng kasalukuyang oral treatments.

Ang Pfizer ay may nilulutong second-generation antiviral, habang ang mga Chinese na kumpanya naman ay gumagawa pa ngayon ng oral antiviral treatment, VV116 na may magandang resulta sa una pang lang na pagsusuri at pag-aaral.

May mga Australian scientists naman na kasalukuyang gumagawa ng synthetic antibodies bilang mga antiviral drugs o gamot. Layunin nito na ilunsad ang clinical trial nitong taon.


Makakaasa kayo na ihahatid ng SBS sa multikultural na komunidad ang lahat ng napapanahong update at balita kaugnay sa COVID-19. Maging maalam at maingat, bisitahin ang 


Share
Published 14 February 2023 2:33pm
By Yumi Oba
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Share this with family and friends